dzme1530.ph

COVID-19 positivity rate sa bansa, patuloy na tumataas

Patuloy na tumataas ang COVID-19 positivity rate sa bansa ayon sa OCTA Research Group.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula 12.7% noong Abril a-25 pumalo ang positivity rate ng NCR sa 19.7% habang tumaas din sa 17.1% ang naitalang positivity rate sa buong bansa nitong nakalipas na 7-araw.

Sa datos na inilabas ng Dep’t of Health, noong May 2, nakapagtala ang bansa ng 867 na bagong kaso ng COVID-19 kung kaya’t umabot na sa 7,565 ang aktibong kaso.

Una nang tiniyak ng DOH sa publiko na hindi kailangang mag-panic gayung nananatiling mababa ang Health Utilization Rate sa buong bansa.

 

 

About The Author