dzme1530.ph

41 personalidad arestado sa ikinasang One-day Operational Accomplishments ng MPD  

Sa isinagawang One-Day Operational Accomplishments ng Manila-MPD kahapon, May 3, 2023, inaresto ang mga indibidwal na sangkot sa ilegal na droga, ilegal na sugal, loose fire arms, at mga wanted person sa Maynila.

Sa Anti-Illegal Drugs Operation, nagsagawa ang MPD ng 2 na operasyon na nag resulta sa pagkaaresto ng 6 na personalidad, nasamsam sa mga naarestong suspek ang hinihinalang ilegal na droga na may timbang na aabot sa 9 na gramo ng Shabu na may kabuuang halagang tinatayang aabot sa Php 61,200.00.

Sa Anti-Illegal Gambling Operation ng MPD-Manila, nakapagtala naman ng apat (4) na operasyon laban sa Iba’t-ibang Ilegal na Sugal, na nag resulta sa pagkaaresto ng labing limang (15) personalidad nakumpiska sa mga suspek ang Php 2,489.00 na bet-money.

Ang kampanya naman laban sa Loose fire arms Operation nakapagtala ng tatlong (3) naaresto ang otoridad at nakumpiska ang 3 mga baril.

Sa operation against Wanted Persons, nagsagawa ng 18 operasyon ang MPD na nag resulta sa pagka-aresto ng labing pitong (17) Most Wanted Person na may mga iba’t-ibang kasong  kinakaharap.

Sa kategorya naman ng “Other Incident/crime” ay arestado ang isang libo at pitumpu’t lima  (1,075) personalidad sa iba’t-ibang mga kasong pang lokal na ordinansa ng lungsod, tulad ng (half naked,  smoking, Carfew,  traffic mngt code, at Obstruction,).

Ayon sa pahayag ni PBGen Andre Dizon, Ang MPD-Manila ay buong pwersa na tatalima sa mga kautusan at direktiba ng bagong talagang si PGen Benjamin C Acorda Jr, PNP Chief, at patuloy na magsasagawa ng mga Anti-Criminality Operations upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa buong lungsod ng Maynila. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author