dzme1530.ph

“Bayanihan sa mga Barangay” project inilunsad sa Pasay City

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakikipag-ugnayan sila sa World Bank para sa pagbuo ng integrated drainage master plan para sa buong Metro Manila.

Ayon kay MMDA acting Chairman Romando Artes, bubuo ang ahensya ng plano para sa pagpapatayo ng integrated drainage system para mapanatili ang tuluy-tuloy na daloy ng tubig at maiwasan ang mga pagbabara at pagbaha sa kalakhang Maynila.

Ang pahayag ni Artes kasunod ng paglulunsad ng proyektong “Bayanihan sa mga Barangay” sa Pasay City.

Isang clean-up drive na naglalayong tulungan ang malalaking populasyon at ilapit ang mga serbisyo ng ahensya sa publiko.

Ang proyekto ay isinagawa sa Barangay 127, 128, 129, 130, 131, at 132 sa Pasay City.

Kung saan isinagawa ang drainage declogging, paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pag-trim at pruning ng mga puno.

Pag-aayos ng sidewalk, pagpipinta ng pedestrian lane, misting, one-stop shop query service para sa pag-aayos ng mga paglabag at pagkumpuni ng perimeter fences sa kahabaan ng Estero ng Tripa de Gallina sa lungsod ng Pasay. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author