Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ligtas na na-ibaba ang siyam na pasaherong sakay ng PA-31-350 aircraft na sumadsad sa Palanan Airport sa Isabela, kaninang umaga.
Base sa report ng Palanan Airport Security and Intelligence Service, ang Cyclone Airways-operated Piper PA-31-350 Navajo Chieftain aircraft ay nakaranas ng runway excursion sa Palanan Airport bandang 10:13 kaninang umaga.
Ang napinsalang eroplano ay naiparada na sa ramp ng runway 20 kung saan alas 11:23 nang maibalik sa normal ang operasyon ng Palanan Airport.
Ang mga imbestigador mula sa Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) ay ideneploy sa lugar upang i-assist ang sitwasyon at pangasiwaan ang pagkuha ng napinsalang eroplano.
Nakipagtulungan din ang CAAP air operator para sa imbestigasyon at pagresolba sa insidente. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News