dzme1530.ph

75K Pinoy seafarers, target i-hire ng US firms

Aabot sa 75K Filipino seafarers ang nakatakdang tanggapin o i-hire ng mga kompanya sa Estados Unidos.

Sa isang pagpupulong kasama si Pang. Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni John Padget, President at CEO ng Carnival Corp. na target ng kaniyang mga kompanya na tumanggap ng mga Pinoy seafarer.

Pinuri ni Padget, na siya ring kumakatawan sa Carnival Cruise Line, Holland American Airlines and Seaborn ang mga manggagawang Pilipino dahil sa kanilang mabuting pakikitungo at pagiging competitive sa pandaigdigang paggawa.

Kaugnay nito, i-prinisenta ni Dept. of Migrant Workers Sec. Susan Ople sa US firms ang interes na makapagtrabaho ng 200K Pilipino na sumusunod sa patas at etikal na pamantayan at prinsipyo.

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si Marcos sa mga kompanya sa Estados Unidos para sa kanilang patuloy na pagkilala sa kakayahan ng mga manggagawang Pilipino.

About The Author