dzme1530.ph

P210.3-B budget deficit ng bansa noong Marso, naitala

Umakyat sa P210.3-B ang budget deficit ng Pilipinas noong Marso

Ayon sa Bureau of Treasury, mas mataas ito ng 12% kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Sinabi ng BTR, na ang tumaas na fiscal gap ay bunsod ng 11.9% na pagbaba ng government receipts at pagbagsak din ng spending ng 2.6%.

Gayunman, binigyang diin ng Treasury na ang P270.9-B na budget gap sa unang tatlong buwan ng taon ay mas mababa ng P70.9-B o 14.5% kumpara noong first quarter ng 2022.

About The Author