Makatatanggap ang Pilipinas ng 390,000 doses ng COVID-19 vaccines sa katapusan ng Mayo ayon sa Department of Health.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, nag-apply na ang ahensya para sa updated Emergency Use Authorization mula sa Food and Drug Administration para sa mga donasyong bakuna.
Nakapag-secure din ang DOH ng mahigit 1 million doses ng bivalent vaccines ng Pfizer mula sa CoVax facility na isang United Nations-backed international vaccine-sharing scheme ngunit sa halip na makuha natin noong Marso ay na-hold ang delivery ng mga naturang bakuna dahil naghananap pa ang bansa ng ibang legal remedies.
Nag-expire na kasi noong December 31 ang State of Calamity sa bansa para sa Covid-19, na may clauses sa indemnification at immunity mula sa liability.
Ang bivalent vaccines ay modified jabs na ang target ay Omicron variant at original form ng virus.