dzme1530.ph

US, dapat patunayang mapagkakatiwalaang kaalyado ito ng Pilipinas

Umaasa si Senador JV Ejercito na patutunayan ng Estados Unidos na pinaka-mapagkakatiwalaang kaalyado ito ng Pilipinas.

Kasunod ito ng pahayag ni US President Joe Biden kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na wala siyang naiisip na ibang magandang ka-partner kung hindi ang Pangulo sa gitna ng mga hamon na kinakaharap sa ngayon.

Tiniyak ni Biden sa Pangulo na nananatiling matibay at matatag ang kanilang commitment na dipensahan ang Pilipinas partikular sa usapin sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Ejercito na sa ngayon kahit closed ally ng Pilipinas ang Estados Unidos ay maliit lang ang ibinibigay nito na tulong sa ating defense department o sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Kung talaga anyang kakampi ng bansa ang US dapat magkaloob sila ng malaking military assistance sa Pilipinas. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author