Dalawang EDCA sites ang ginamit bilang staging areas upang tumulong sa search and rescue operations para sa apat kataong nawawala sa Tubbataha, sa Palawan, ayon sa Armed Forces of the Philippines.
Sa statement, inihayag ng AFP na tatlong air assets na naka-istasyon sa Antonio Bautista Air Base sa Puerto Princesa City, Palawan at Benito Ebuen Air Base sa Mactan, Cebu ang ginamit para sa search ang rescue operations.
Sinabi ng militar na ginamit ang mga naturang EDCA location, batay sa request ng Philippine Government.
Ang apat na nawawala mula dive yacht na M/Y Dream Keeper na lumubog sa Tubbataha noong linggo ay kinabibilangan ng dive master, may-ari ng yate, at dalawang pasahero.
28 naman ang nailigtas mula sa naturang insidente.