Ipinag-utos na ng Department of Transportation ang pagbuo ng joint task force na mag iimbestiga sa nangyaring power outage sa NAIA Terminal 3 kahapon ng madaling araw.
Sinabi ni MIAA General Manager Cesar Chiong kabilang sa investigation committee ang pamunuan ng MIAA, Meralco, katuwang ang independent third party expert upang matukoy ang tunay na sanhi ng power interruptions sa paliparan.
Una nang Inihayag ng DOTr na “fault current” ang dahilan ng power outage kung saan bumagsak ang supply ng kuryente dahil sa pagpalya ng circuit breaker bunsod ng biglaang paglakas ng daloy ng kuryente.
Dahil sa insidente higit 40 domestic flights ang nakansela kung saan higit sa 9,000 pasahero ang na-apektuhan.
Pero hindi naman isinantabi ng MIAA ang posibleng pananabutahe dahil sa nangyaring aberya.
Bukod dito aalamin din sa imbestigasyon kung bakit hindi nasunod ang mga rekomendasyon sa isinagawang full electrical audit sa Terminal 3 noong pang 2017. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News