Inihahanda na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ‘contingency measure’ sa posibleng oil spill sa bisinidad ng Tubbataha Reef sa Palawan matapos lumubog ang M/Y Dream Keeper nitong nakaraaang linggo.
Ayon sa PCG may nakita umanong “oil sheen” sa lokasyon ng pinaglubugan ng yate, at mayroon nang oil spill response team na patuloy anila sa pagmo-monitor sa lugar.
Namataan ang oil sheen, 4 nautical miles ang layo mula sa Tubbataha Reef, na kilala sa magaganda nitong corals at napakaraming specie ng lamang dagat.
Sa ulat, posible umanong dahil sa thunderstorm o bagyo kung kaya’t lumubog ang yate na sinasakyan ng 32 katao.
Nailigtas na ang 28 rito habang patuloy pa anilang pinaghahanap ng mga otoridad ang 4 na iba pang pasahero.