Inaasahang magpapatupad ng balasahan ang Philippine National Police na layong palitan ang ilang opisyal na walang ni-isang accomplishments na nagawa sa kanyang nasasakupan.
Ayon kay PNP-Public Information Office chief PCol. Redrico Maranan, sinusuri na umano ni PNP chief Major Gen. Benjamin Acorda, Jr. ang performance ng PNP key officials.
Ibabase umano sa statistics accomplishments ng mga chief of police ang desisyon ni Acorda kung karapat-dapat manatili sa puwesto o hindi ang opisyal.
Ayon kay Maranan, ito’y bilang paghahanda para sa nalalapit na pagreretiro sa serbisyo ng karamihan sa mga senior officials ng PNP.
Paliwanag ng PIO-Chief, kailangang mapunan agad ang mga mababakanteng posisyon gayung halos lahat ng third level officers ng organisasyon ay nakatakdang magretiro ngayong taon.