Pinag-aaralan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasagawa ng full audit ng electrical system sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod nang pagkawala ng kuryente nitong Labor Day, May 1.
Ayon kay DOTr sec. Jaime Bautista, 2017 pa huling sumailalim sa electrical audit ang naia Terminal 3 mula nagsimula ang operasyon nito noong 2009.
Aminado ang kalihim na bukod sa ilalaaang malaking pondo para rito, mahaba-haba ring panahon ang kakailanganin gayung daraan pa ito sa Procurement Law.
Nabatid na tatagal ng 60 hanggang 90 araw ang full electrical audit sa terminal
Samantala, inirerekomenda din ni Bautista ang pagsasagawa ng full electrical audit sa dalawa pang terminal ng paliparan.