Tiniyak ng Department of Transportation na hindi magpapasindak ang Philippine Coast Guard kasunod ng muntik nang pagsalpok ng barko nito sa Chinese Coast Guard ship sa Spratly Islands.
Sa statement, sinabi ng DOTr na lehitimong ginagampanan ng PCG ang mga karapatan ng Pilipinas sa teritoryo nito na aprubado ng International law.
Binigyang diin ng ahensya na hindi patitinag ang pcg sa kabila ng mga agresibo at mapaghamong hakbang ng China.
Ginawa ng DOTr ang pahayag makaraang i-cut ng barko ng Chinese Coast Guard ang Philippine patrol vessel na may lulang mga mamamahayag noong April 23 na nagresulta sa kamuntik nang pagsasalpukan ng dalawang barko.
Samantala, sinabi ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tinalakay na niya ang naturang insidente sa Chinese Government.
Ayon naman sa China, ang near-collission incident ay dulot ng “premedidated and provocative action” ng pcg na mariin namang pinabulaanan ng ahensya, sa pagsasabing ang maritime patrol ay “non-provocative.”