Ang fiber ay isang uri ng nutrient na makukuha sa mga pagkain tulad ng brown rice, barley, oatmeal, wheat bread, gulay, prutas, beans, at mani.
May dalawang uri ng fiber na kailangan ng ating katawan. Ito ang soluble fiber at insoluble fiber.
Ang soluble fiber na natutunaw sa tubig ay mahalaga sa pagpapababa ng cholesterol level at blood sugar. Ito ay mainam para sa mga taong mataas ang blood sugar level o mga taong mayroong high blood.
Ang insoluble fiber naman ay hindi natutunaw sa tubig. ito ay tumutulong sa maayos na stool formation o pagbuo ng human waste na inilalabas ng ating katawan.
Sakaling nakakaranas ng constipation ang isang tao, isa sa posibleng dahilan nito ang kakulangan sa fiber rich foods. —sa panulat ni Airiam Sancho