dzme1530.ph

House Speaker Romualdez nagbigay-pugay sa mga manggagawa ngayong Labor Day

Bilang pagkilala sa kontribusyon ng labor sector sa nation building bilang backbone of the economy, nagbigay pugay si House Speaker Martin Romualdez sa mga manggagawa ngayong Labor Day.

Ayon kay Romualdez, ito ang dahilan kung bakit laging pinagtutuunan nila ng pansin sa Kamara ang kapakanan ng labor class.

Sa ilang pinagtibay na panukala pangunahin umano nitong objective ay iangat ang economic growth at investment climate upang makalikha ng bagong trabaho para sa Pilipino.

Ilan sa liberalize Amendments ay ang Public Service Act, Retail Trade Law at Foreign Investments Act na ang layunin ay humikayat ng mga dayuhang puhunan.

Ayon pa kay Romualdez, ang Investment-diplomatic missions ni PBBM, kasama ang kanyang economic team at House members ay nagkakaisa para sa pagpapalago ng ekonomiya.

Naniniwala rin ang presidential cousin na kung mapapanatili ang maayos na ekonomiya, hindi lamang sweldo ng mga manggagawa ang mapi-preserved, kundi lilikha rin ito ng maraming trabaho o opportunidad sa lahat. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author