Inilabas na ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang presyo ng preliminary Green Energy Auction Reserve (GEAR) para sa 2nd round ng Green Energy Auction Pogram (GEAP) na ikakasa ng Dept. of Energy sa Hunyo.
Ang gear prices ay magsisilbi bilang ceiling price para sa ikalawang bugso ng GEAP kung saan ang DOE ay mag-aalok ng 3,600 mw para sa taong 2024, 2,600 mw sa 2025, at 4,400 mw sa 2026 o kabuuang 11,600 mw renewable energy.
Ayon sa ERC, karaniwang mas mababa ang presyo ng GEAP-2 kumpara sa GEAP-1 maliban sa wind at biomass.
Sinabi pa ng ahensya na hindi pare-pareho ang gear price na itinakda nila para sa iba’t ibang solar technologies.
Ang roof top solar ay nasa halos P4.72 per kilowatt-hour, ground-mounted solar na nasa halos P4.24 per kwh, at floating solar na nasa P4.75 per kwh. —sa panulat ni Airiam Sancho