Posibleng ibalik ng pamahalaan ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa bansa sa gitna ng tumataas na mga kaso ng COVID-19.
Ito ang inihayag ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinag-aaralan na ng kaniyang administrasyon ang kasalukuyang trend ng COVID-19, partikular ang positivity rate, baseline, at ipa pang dahilan.
Ayon pa kay Marcos, titingnan niya kung ano ang hakbang o guidance ng Inter-Agency Task Force at Department of Health ukol dito.
“So we’ll look at it. Tingnan natin kung may guidance ang IATF, may guidance ang DOH. I think…. I hope we don’t have to but we might. But I hope not.” ani Pangulong Marcos.
Samantala, ikinokonsidera rin ng Punong Ehekutibo ang mainit na panahon na maaaring makaapekto sa publiko na mas maging vulnerable sa COVID-19 kaya’t posible aniyang mapilitan ang pamahalaan na muling magkasa ng vaccination drive upang mapalakas ang immunity laban sa severe respiratory illness. —sa panulat ni Airiam Sancho