Inaprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order no. 23 na magtatatag ng Inter-Agency Committee na mangunguna sa pag-resolba sa labor cases sa bansa.
Ito ay sa harap ng mga insidente ng karahasan, Extra-Judicial Killings, harassment, pagtapak sa Trade Union Rights, at sinasabing Red-tagging sa Trade Unions at Workers’ organizations.
Sa ilalim ng EO, palalakasin ng gobyerno ang koordinasyon sa labor stakeholders, at po-protektahan ang Freedom of Association and Right to Organize ng mga manggagawa.
Ipatutupad ang mga agarang aksyon para maiwasan ang karahasan sa mga lehitimong aktibidad ng labor organizations, pag-iimbestiga at pagtukoy sa mga nasa likod ng karahasan, pag-operationalize ng monitoring bodies, at iba pang hakbang na magbibigay kalayaan sa mga trabahador na bumuo o mamili ng sasalihan nilang organisasyon,
Ang Inter-Agency Committee for the Protection of the Freedom of Association and Right to Organize of Workers ay pamumunuan ng Executive Secretary, habang magiging Vice Chair naman ang kalihim ng Dep’t of Labor and Employment. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News