Magiging pangunahing Agenda ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang official visit sa America ang mga larangan ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura, at teknolohiya.
Sa interview pagkarating sa Joint Base Andrews Sa Washington D.C. USA, inihayag ng Pangulo na isusulong niya ang ekonomiya ng Pilipinas sa nakatakdang pakikipagpulong sa malalaking US companies.
Mababatid na una nang inanunsyo ng White House na sa bilateral meeting nina Marcos at US President Joe Biden, kanilang pag-uusapan ang kooperasyong pang-ekonomiya, pag-iinvest sa clean energy, at paglaban sa climate change.
Samantala, isusulong din ni Marcos ang pagpapanatili ng kapayapaan sa Indo-Pacific Region sa harap ng global tensions.
Bibigyang diin din nito ang mahalagang papel ng Association of SouthEast Asian Nations sa global dialogue. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News