Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 496 na mga Pilipino ang lumikas sa Khartoum.
Sa nasabing bilang ang 414 dito ay nasa border na sa pagitan ng Egypt at Sudan, at tumatawid na sa border patungong Egypt.
Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Terisita Daza ang 58 na Filipino ay nasa Port ng Sudan, na naghihintay ng barkong maghahatid sa kanila sa Jeddah.
Paliwanag ni Daza mula sa 496, na bilang 16 dito ay nakarating na sa Jeddah kung saan sinalubong sila ng consulate general doon.
Habang ang walo ay lumipad patungong Athens sa pamamagitan ng isang Greek military flight.
Ang mga karagdagang bilang ng mga Filipino ay dahil sa pagsisikap ng mga official ng pamahalaan na mailikas ang mga Pinoy mula sa kaguluhan sa Sudan. —ulat mula kay Toni Gildo, DZME News