Tiniyak ng Dep’t of Foreign Affairs na bibigyan-diin din ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang usapin sa ekonomiya sa nakatakda niyang official visit sa America.
Ito ay sa harap ng inaasahang pagtalakay sa security at defense cooperation sa bilateral meeting ng Pangulo kay US President Joe Biden.
Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni Foreign Affairs spokesperson Ma. Teresita Daza na bukod sa bilateral meeting kay Biden, makikipagpulong din ang Pangulo sa malalaking US companies.
Inaasahang itataguyod ng Pangulo ang Pilipinas bilang isang trade partner at investment market.
Bukod dito, makikipagkita rin ang pangulo sa Filipino community sa Washington.
Sa lingo, Abril 30 ay nakatakda nang umalis ng bansa ang Pangulo para sa kanyang US trip hanggang May 4. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News