Ang Philippine Coast Guard (PCG) ay tumugon sa banggaan sa pagitan ng MV Hong Hai 189 at MT Petite Soeur sa katubigan ng Corregidor Island kahapon, 28 Abril 2023.
MV HONG HAI 189 Bandila – Sierra Leone
Uri – Dredger
Last Port – Botolan, Zambales
MT PETITE SOEUR
Bandila – Marshall Island
Uri – Chemical / Oil Product Tanker
Huling Port – Mariveles, Bataan
Ayon sa Coast Guard sub-station Corregidor, tumaob na ang MV Hong Hai 189.
Ayon kay Heng Da 19, ang rescue vessel malapit sa paligid ng insidente, at nailigtas na ang 16 sa 20 crew ng MV Hong Hai 189.
Ngayon, Abril 29, 2023, nagpadala ang PCG ng isa pang barko, kasama ang mga aluminum boat at rubber boat, upang tumulong sa mga operasyon ng SAR.
As of 7:30AM, narekober ng SAR team ang isang cadaver (Chinese crew).
Patuloy ang operasyon ng SAR para sa huling tatlong nawawalang crew ng MV Hong Hai 189.
Ang Coast Guard Aviation Force ay kasalukuyang nagsasagawa ng aerial survey upang madagdagan ang mga operasyon ng SAR.
Samantala, lahat ng 21 crew ng MT Petite Soeur ay nasa mabuting pisikal na kondisyon.
Ang mga awtoridad ay magsasagawa ng isang port state control inspection sa MT Petite Soeur. —sa panulat ni Felix Laban, DZME News