Aabot sa P1.439-B halaga ng smuggled na sigarilyo ang winasak ng Bureau of Customs sa Zamboanga Del Sur.
Ayon kay BOC acting district collector Arthur Sevilla Jr., kabuuang 19,419 master cases at 667 reams ng smuggled cigarettes ang kanilang sinira.
Ani Sevilla, ang malaking bulto ng smuggled item o 18,533 cases ay nasamsam sa Indanan, Sulu habang ang iba ay nasabat sa ikinasang Anti-Smuggling Operations sa Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Winasak ang mga nakumpiskang sigarilyo sa pamamagitan ng pagbuhos ng tubig at paulit-ulit na pagdurog ng isang payloader.