Plano ng Department of Education (DepEd) na ituro ang Red-tagging, Extrajudicial Killings (EJK) at ilan pang mahahalagang paksa sa Grade 10 students, batay sa inilabas na draft ng revised curriculum ng kagawaran.
Sa panukala, sa ilalim ng asignaturang Araling Panlipunan, tatalakayin ang mga paksa patungkol sa human rights violation, mga kontemporaryong isyu at societal challenges.
Iminumungkahi rin ng DepEd na isama sa Grade 10 curriculum ang ilang gender-related topic na magtuturo sa mga mag-aaral ng mga batas na pumoprotekta sa LGBTQ community, Same Sex Union at Diskriminasyon.
Nakasaad din dito ang pag-aaral tungkol sa Trolling, Climate Change at tagumpay ng Pilipinas kontra Tsina sa arbitral ruling nito sa West Philippine Sea.