dzme1530.ph

DFA, hirap pa rin sa pagpapatawid ng Filipino evacuees sa border ng Egypt

Nananatiling problema ng Dept. of Foreign Affairs ang pagtawid ng mga apektadong Pilipino mula sa Sudan patungo sa Egypt dahil sa mahigpit na seguridad sa border nito.

Ito ang sinabi ni Dept. of Foreign Affairs Usec. Eduardo Jose de Vega dahil karamihan sa mga inilikas o ililikas pa lamang na mga Pilipino ay may expired o wala mismong passport.

Kaya aabutin aniya ng 24 hanggang 48-oras ang proseso upang makapasok ang mga ito roon.

Sa ngayon, sinabi ni de Vega na tumatanggap na ng VISA ang mga otoridad sa Egypt bilang requirement upang makatawid sa kanilang border.

About The Author