Handang-handa na ang Department of Labor and Employment ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng ika-121 taon ng Labor Day celebration sa Lunes.
Sinabi ni DOLE Sec. Bienvenido Laguesma, maraming mga programa ng gobyerno ang ipagkakaloob sa mga manggagawang Pilipino.
Kabilang dito ang Bilihin Abot Presyo sa pamamagitan ng Kadiwa Stores sa iba’t-ibang lugar sa bansa, pabahay sa mga manggagawa at jobs fair sa mga Malls tulad ng SM at Robinson.
76 na mga kompanya ang nagpahayag na ng interes na sasali sa mga Job Fairs ng DOLE.
Ilan sa mga bakanteng trabaho ay office works, delivery, merchandise workers, factory worker workers at iba pa.
Magkakaroon din daw ng mga hire on the spot para sa mga kwalipikadong aplikante.
Pinapayuhan ng DOLE ang mga aplikante na magdala ng kanilang resume, school attachment, semi-formal attire at sariling ballpen. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News