dzme1530.ph

Inflatable pools, nais ipa-ban ng MWSS sa mga LGU

Nanawagan ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa mga local government unit na maglabas ng ordinansa para sa pansamantalang pagbabawal sa paggamit ng inflatable pools at car-washing, sa dahilang maaksaya ang mga ito sa tubig.

Binigyang diin ni Jose Dorado Jr., Deputy Administrator for Engineering and Technical Operations Group ng MWSS, na masyadong marami ang nako-konsumong tubig sa mga nabanggit na aktibidad.

Nilinaw ni Dorado na ang pagpasa ng ordinansa ay dapat gawin ng mga LGU kapag kritikal na ang water level sa mga dam.

Samantala, hindi naman sang-ayon dito ang National Water Resources Board, sa pagsasabing may iba pang mga paraan para makatipid sa tubig, lalo na sa mga naninirahan sa Metro Manila.

Isa sa mga iminungkahi ni NWRB Executive Director, Dr. Sevillo David Jr. ay pagre-recycle, kasabay ng panawagan sa MWSS na ayusin ang mga tagas sa mga tubo ng tubig.

About The Author