Nasa 100 MMDA traffic enforcers ang itatalaga sa apat na magkakaibang lugar sa Metro Manila na kinabitan ng body cameras para manghuli sa mga motorista na lumalabag sa batas-trapiko.
Ang mga naturang enforcer ay dumaan sa orientation sa MMDA Traffic Discipline Office (TDO) ukol sa paggamit ng body cameras.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, ang mga recording mula sa mga body cameras ay naka-link sa bagong MMDA Command Center sa Pasig City na magagamit na ebidensiya kung sakaling magreklamo ang isang nahuling motorista.
Ayon kay Artes bahagi ito ng familiarization sa technical specifications, features, at parts ng gadget na gagamitin ng ilang mga traffic enforcers sa kanilang traffic management operations.
Balak pa ni Artes na dagdagan ang mga body cameras sa mga susunod na buwan na inaasahan din na makakatulong sa kampanya ng ahensiya laban sa pangongotong. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News