Patuloy na nananawagan sa gobyerno si Mayor Rey Ladaga ng San Jose, Occidental Mindoro na mabigyan ng pansin ang kanilang problema kaugnay sa kakulangan ng suplay ng kuryente sa lalawigan.
Sa panayam ng DZME 1530, sinabi ni Ladaga na isang buwan nang apat na oras kada araw lamang may kuryente, na nagpapahirap sa mga residente sa lugar.
“yun nga po, mayroon po kasing amount na hindi nababayaran ng napocor so ang nangyayari kapag hindi nakakabayad ang napocor umii-stop yung suplay ng kuryente…’’
Nilinaw naman ni Ladaga na noon pa man ay nakakaranas na sila ng kakulangan sa suplay ng kuryente.
“dati na rin po kasi talagang kulang na ang suplay ng kuryente…ang nasusuplay lang po sa amin ay 10 megawatts…’’