Naghahanda na ang Department of Justice sa pagsasampa ng Writ of Kalikasan sa Korte Suprema laban sa ilang ahensya ng gobyerno na nagpabaya sa Oil Spill sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Justice sec. Jesus Crispin Remulla, pinag-aaralan na ng binuo nilang team of prosecutors ang kaso na ihahain sa Korte Suprema patungkol sa Oil Spill sa Pola, Naujan Oriental Mindoro matapos lumubog ang MT Princess Empress.
Hindi tinukoy ng kalihim ang mga pananagutin sa naganap na trahedya ngunit tamaan na aniya ang dapat tamaan na responsable sa kaso.
Saad pa ni SOJ Remulla na maghahain rin sila ng Writ of Kalikasan case ang pamahalaan kung hindi masusunod ng Protection and Indemnity Club o (P&I) ang 10 days- deadline para tugunan ang epekto sa kalikasan ng Oil Spill na dulot ng na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.
Ang Writ of Kalikasan aniya ay isang uri ng kaso na isinasampa sa Supreme Court para utusan ang mga ahensya na gobyerno na linisin ang anumang idinulot na pinsala sa kalikasan dulot ng kapabayaan. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News