dzme1530.ph

DICT, pinag-aaralang tanggalan ng access sa FB, TikTok ang mga Sim na hindi pa rehistrado

Pinag-aaralan ng Dep’t of Information and Communications Technology na tanggalan ng access sa Facebook at TikTok ang mga Sim na hindi pa naire-rehistro, sa gitna ng 90-day extension ng sim registration.

Ayon kay DICT sec. Ivan John Uy, tila hindi sineseryoso ng karamihan ang sim registration kaya’t kailangan umano nilang maramdaman ang epekto nito o ang unti-unting pagkawala ng access sa mga serbisyo.

Sinabi ni Uy na maaaring sa ika-30 hanggang ika-60 araw ng 90-day extension ay magsimula na silang mag-deactivate ng unregistered sims.

Posible ring hindi makapag-text o makatawag ang mga ito.

Nilinaw naman ni Uy na ito ay inaayos pa ng telecommunications companies.

Una nang inanunsyo ni Uy ang planong pagbibigay ng insentibo sa publiko upang mahikayat silang magpa-rehistro ng Sim. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author