Hiniling ni Sen. Sherwin Gatchalian sa Senado na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa krisis sa suplay ng kuryente sa Occidental Mindoro.
Sa kanyang Senate Resolution 576, nais ni Gatchalian na busisiin ng kaukulang kumite ng Senado ang krisis upang makabuo ng short, medium at long-term solutions sa energy crisis sa lalawigan.
Naniniwala ang senador na may problema sa management ng Occidental Mindoro Electric Cooperative Inc. (OMECO) kaya’t nahirapan sa pagsusuplay nila ng kuryente sa mga munisipalidad ng Abra de Ilog, Mamburao, Sta. Cruz, Sablayan, Calintaan, Rizal, San Jose at Magsaysay.
Sa Supply and Demand Outlook, aabot sa 15 megawatts ang supply deficit ng OMECO kaya nagpapatupad ng daily rotational power schedule sa probinsya kung saan ang bawat bayan ay nagkakaroon lamang ng kuryente sa loob ng tatlo at kalahating oras araw-araw.
Idineklara na rin ang ‘State of Calamity’ sa lalawigan dulot ng ‘damaging effects’ ng matagalang power interruption.
Sa ngayon, nakikitang solusyon ni Gatchalian for short term ay pairalin na ng gobyerno ang step in authority nito upang itake over ang operasyon ng OMECO at ipadala na rin ang mga generator sets ng National Power Corporation sa lalawigan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News