dzme1530.ph

PBBM, inaasahang malalagpasan pa ng Team PH ang kanilang SEA Games record sa nakatakdang laban sa Cambodia!

Inaasahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na malalagpasan pa ng Philippine Team ang kanilang record sa mga nagdaang Southeast Asian Games, sa nakatakdang pagsabak sa 32nd SEA Games sa Cambodia.

Sa Send-off Ceremony sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na alam niyang pinaghirapan ng lahat ng atleta, trainers, at coaches ang pagsasanay upang makalikha ng mga kampyon para sa bansa.

Kaugnay dito, ipina-alala ni Marcos sa mga atleta na mayroon silang 107 million na Pilipinong kakampi na nagdarasal para sa kanilang tagumpay.

Pinayuhan din sila ng Pangulo na magsabi lamang kung mayroon silang kailangang tulong mula sa gobyerno.

Matatandaang sa pagho-host ng Pilipinas noong 2019 SEA Games ay itinanghal itong overall champion sa nakalap na 149 golds, 117 silvers, at 121 bronze medals, na lagpas sa na-kolektang medalya nang sila rin ay mag-kampyon noong 2005 SEA Games.

Gaganapin ang 2023 SEA Games sa Cambodia sa May 5 hanggang 17. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author