dzme1530.ph

Hakbang sa pagkamit ng food security sa bansa, inihayag ng Pangulo

Binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang kahalagahan ng agrikultura sa paglago ng domestic economy, at ang mga hakbang na kaniyang gagawin upang matupad ang pangako nitong matiyak ang food security sa Pilipinas.

Ipinunto ng Pangulo ang importansiya ng pagkakaroon ng bansa ng kakayahan na gumawa ng sarili nitong makinarya sa pagsasaka, na kasalukuyang ginagawa sa Philippine Center for Post-Harvest Development and Mechanization (PhilMech), sa pakikipag-kolaborasyon sa foreign partners.

Ayon pa sa Pangulo ang pagkakaroon ng mga farm machinery mula sa PhilMech ay nakababawas sa pangangailangan ng bansa na mag-import ng mga kagamitan para sa pagtatanim at pag-aani.

Tinitingnan din aniya ng gobyerno ang pagpapahusay sa research and development upang mapalakas ang produktibidad ng agrikultura.

Matatandaang agri-sector ang nasa forefront ng overall development agenda ng Pangulo.

About The Author