Hindi kumbinsido si Cong. Arnolfo Teves Jr., sa ini-a-alok na seguridad sa kanya para lamang umuwi ito sa bansa at personal na harapin ang mga akusasyon laban sa kanya.
Aniya, hindi sapat ang mga pangakong ito ng pamahalaan kahit na mula pa mismo kay Pang. Ferdinand Marcos Jr..
Nangangamba ang suspendidong mambabatas na baka magkaroon ng inside job, na hindi imposible dahil maging ang namayapang si governor aniya na napaliligran ng mga pulis at militar ay nagawa pang paslangin.
Dahil dito ay dapat din ani Teves na imbestigahan ang mga nakapaligid kay Degamo.
Si Teves ay iniuugnay na isa sa mga mastermind sa pagpatay kay Degamo at walong iba pa noong Marso 4 subalit hindi pa masampahan ng kaukulang kaso.