dzme1530.ph

Gen Z Pinoys, mas madaling tamaan ng depresyon —pag-aaral

Mas maraming kabataang Pilipino ang nakararanas ng Mental health issues, batay sa isang pag-aaral.

Sa resulta ng AXA Study of Mind Health and Wellbeing 2023, lumitaw na ang Generation Z (Gen Z) Filipinos, edad 18 hanggang 24, ay madaling tamaan ng depression at anxiety.

Sa isinagawang survey, 35% ng young Filipinos ang nagsabing nakaranas na sila ng depression, mas mataas kumpara sa global average na 27%.

Samantala, 16% naman ang nagsabing nakararanas sila ng anxiety, mas mataas din kumpara sa 12% na global average.

Sa buong mundo, ang Gen Z respondents ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga nagsabing dumaranas sila ng emotional stress at psychosocial impairment na 18%.

About The Author