dzme1530.ph

Water level sa apat na dam sa Luzon, bumaba

Bumagsak ang lebel ng tubig sa apat na malalaking dam sa Luzon, ayon sa PAGASA.

Kinabibilangan ito ng Angat sa Bulacan; La Mesa sa Quezon City; San Roque sa Cordillera at Caliraya sa Laguna.

Sa pinakahuling tala, kaninang ala-6 ng umaga, nasa 195.99 meters ang water level sa Angat Dam, kapos ng 16.01 meters sa normal high water level na 212 meters.

Naitala naman 77.16 meters ang antas ng tubig sa La Mesa Dam, mas mababa ng 2.99 meters kumpara sa normal high water level nito na 80.15 meters.

Bumaba rin sa 235.51 meters ang lebel ng tubig sa San Roque Dam, kapos ng 44.49 sa normal na 280 meters, gayundin ang Caliraya Dam na naitala sa 287.33 meters matapos mabawasan ng 1.24 meters.

Una nang hinimok ni Pang. Ferdinand Maros Jr., ang publiko na magtipid at maging matalino sa paggamit ng tubig upang mabawasan ang epekto ng nakaambang El Niño phenomenon na maaring tumagal hanggang sa susunod na taon.

About The Author