dzme1530.ph

26 lugar sa bansa, mananatili sa COVID-19 Alert level 2 status

Mananatiling nasa alert level 2 status ang 26 na lugar sa bansa dahil sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH), muling isinailalim sa Alert level 2 ang 26 na lugar hindi dahil sa mataas ang naitatalang COVID-19 cases dito, kundi dahil bigo pa ang mga ito na maabot ang 70% target population ng vaccination rate laban sa virus.

Ayon pa sa kagawaran, mula pumasok ang taon ay wala pang lalawigan o lungsod na itinaas ang alert level.

Nasa Alert level 2 na anila ang 26 na lugar mula pa noong Hunyo 2022 at pinalawig lamang hanggang katapusan ng Abril.

Ang mga lugar na nasa Alert level 2 ay ang Benguet, Ifugao, Quezon Province, Palawan, Camarines Norte, Masbate, Antique, Negros Occidental, Bohol, Cebu Province, Negros Oriental, Leyte, Western Samar, Lanao del Norte, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao del sur, Davao Occidental, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Dinagat Islands, Basilan, Maguindanao, Sulu, at Tawi-Tawi.

About The Author