Binuksan nina Tingog partylist Rep. Yedda Marie Romualdez at Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang walong public assistance center sa iba’t ibang lugar sa Davao Region upang mailapit pa ang serbisyo sa mga mamamayan.
Tinawag na Alagang Tingog Center, at unang pinasinayaan sa Samal Island, Panabo City at Carmen sa Davao del Norte.
Ayon kay Tingog partylist Rep. Yedda Romualdez, ito ay alinsunod pa rin sa misyon ng Tingog na maabot ang mamamayan lalo ang mga nasa malalayong lugar upang maging madali sa kanila na makakuha ng mga serbisyo ng gobyerno.
Kumpiyansa si Speaker Romualdez hindi na magiging balakid ang lokasyon sa pagkuha ng mga residente ng tulong mula sa gobyerno.
Ang iba pang lugar na pinagtayuan ng Alagang Tingog Center ay ang Tagum City, at mga bayan ng Asuncion, San Isidro, Dujali at Sto. Tomas kung saan ito ay sinundan ng pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development’s (DSWD).