Isiniwalat ni suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., na muling ni-raid ang poultry farm na kaniyang pag-aari, kahapon, Abril 21.
Sa Facebook live, sinabi ng kongresista na sana’y walang itinanim na ebidensiya sa nangyaring operasyon sa kaniyang manukan.
‘’Sana lang wala na namang itinanim, malamang may itatanim na naman ‘yan para mag-mukha akong masama sana lang wala…’’
Ikalawang beses na umanong iligal na pinasok ang kanyang farm kung saan sa unang pagsalakay ay kinatay ang ilan sa kaniyang mga panabong na manok.
‘’last time nong ni-raid yung bahay ko, illegaly ni-raid nila yung manukan ko, kinatay pa yung ilang manok na panabong…hindi kasama sa raid ‘yon…’’
Ayon kay Teves, malinaw na ang ganitong klaseng gawain ay isang panggigipit na dapat ma-aksyunan.
‘’itong mga ganitong gawain…panggigipit na at abuso na sa kapangyarihan. dapat mapuna na ito ng dapat magpuna… ‘’
Kaugnay nito, nanawagan ang kongresista na itigil na ang panggigipit laban sa kaniya na aniya’y sobra na at hindi na tama.
‘’Ako ay nananawagan na tama na, sobra na talaga yung panggigipit hindi na talaga tama…’’