14 na lugar ang nakapagtala ng mataas o ‘dangerous level’ na heat index, kahapon.
Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamataas na heat index sa Butuan City, Agusan del Norte na 48°C, nitong Biyernes ng tanghali.
Ito na rin ang pinakamataas na naitalang heat index sa bansa mula March 1 hanggang April 21.
Kabilang din sa mga nakapagtala ng napakainit na temperatura ang Legazpi City, Albay na 47°C; 44°C sa Catarman, Northern Samar at Virac, Catanduanes,
43°C sa Baler, Aurora, Dagupan City, Pangasinan, Iba, Zambales at Pasay City, habang nasa 42°C naman sa Muñoz, Nueva Ecija, Davao City, Maasin, Southern Leyte, Masbate City, Tacloban City, Leyte, at Tayabas City, Quezon
Paliwanag ng PAGASA, maikukunsiderang nasa danger category ang isang lugar na may heat index na 42°C hanggang 54°C.