“Do not collect if you can’t protect”
Ito ang binigyang-diin ni National Privacy Commission (NPC) commissioner John Henry Naga sa mga nagpo-proseso ng mga personal na impormasyon.
Kaugnay ito sa umano’y data breach na kinasasangkutan ng database ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno na isiniwalat ng isang cybersecurity firm.
Nabatid na ipinatawag kahapon ni Naga ang PNP, National Bureau of Investigation, Civil Service Commission, at Bureau of Internal Revenue upang imbestigahan ang isyu kung saan kinumpirma ng mga nasabing ahensya na walang breaches na nangyari sa database nila at maglalabas sila ng kani-kanilang statements sa publiko.
Habang humiling naman ng panahon ang PNP lalo’t ito ang highlight sa report ng vpnmentor.com kung saan galing umano rito ang database na nagleak na kinapapalooban ng mga impormasyon ng 1.2 million records ng mga empleyado at aplikante.