Isang Pilipino ang kumpirmadong nasaktan dahil sa patuloy na bakbakan ng mga Militar at Rapid Support Forces (RSF) sa kabisera ng Khartoum sa Sudan.
Pero, ayon kay DFA Usec. for Migrant Affairs Eduardo Jose de Vega, sa ngayon ay maayos na ang kondisyon nito.
Nabatid na sinabi ni de Vega na nasa 87 request mula sa mga apektadong Pilipino na nanawagang ma-ilikas at ma-repatriate mula sa sudan ang natanggap ng Philippine Embassy sa Egypt.
Matatandaang nagsimula ang nabangit na sagupaan noong Sabado kung saan aabot sa halos 300 katao ang nasawi habang mahigit 2,500 ang sugatan.