7% ng pamilyang pilipino ang mayroong isang Overseas Filipino Worker na tumutulong sa pagtataguyod ng pamilya, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Sa December 10-14, 20222 SWS Survey na nilahukan ng 1,200 respondents, 75% ng households ang nagsabing madalas silang makatanggap ng pera mula sa miyembro ng pamilya na OFW.
17% naman ang nagsabing minsan; 5% ang nagsabing bihira; at 3% ang nagsabing hindi sila pinadadalhan ng pera.
Lumabas din sa survey na dalawa mula sa sampung adult filipinos ang naghahangad na manirahan sa abroad habang 7% ang naghahanap na ng trabaho sa ibang bansa.
Nangunguna sa mga bansang nais pagtrabahuhan ng mga Pinoy ay sa Canada, Saudi Arabia, Kuwait, United Arab Emirates, Japan, Qatar, at Amerika.