Sisimulan nang ipa-imprenta ng Commission on Elections sa National Printing Office sa Quezon City ang may 1.6M balota na gagamitin sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre 30, 2023.
Ayon kay Comelec chairman George Erwin Garcia, ang iimprentahing mga balota ay para sa mga nadagdag na mga BSK voters, na nagparehistro mula noong December 12 at January 31.
Noong Marso, nauna nang nakapag-imprenta ang comelec ng 90,613,426 official ballots.
Kasabay nito, ayon kay Garcia ay naghahanda na rin sila para naman sa pagsasanay ng mga guro na magsisilbing miyembro ng Electoral Boards (EBs) na gaganapin sa buwan ng Agosto.
Nagsimula na rin sila ani Garcia na mag-impake ng mga election paraphernalia upang ipamahagi sa mga polling precincts.