dzme1530.ph

PBBM, pinangunahan ang groundbreaking ng St. Bernadette Children and Maternity Hospital sa Bulacan

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang groundbreaking ceremony para sa itatayong St. Bernadette Children and Maternity Hospital sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa ilalim ng proyekto, itatatag ang isang tatlong palapag na gusali ng ospital sa 3,794 square kilometers na lawak ng lupa sa Heroes Ville, Brgy. Gaya-Gaya.

Magkakaroon ito ng 65-bed capacity, at inilaan para sa phase 1 ang paunang P50-M mula sa Health Facilities Enhancement Program.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang lahat ng pinoy health workers na sila pa rin umanong pangunahing pinipili ng maraming bansa.

Sinabi rin ng chief executive na ang ospital ang tutugon sa mga nakitang kakulangan sa health system ng lugar.

Ang itatayong specialty hospital ay alinsunod sa Health Facility Development Plan, at target itong makumpleto sa 2025. —sa ulat ni Harley Valbuena

About The Author