dzme1530.ph

Isa sa drug cases ni dating Sen. Leila de Lima, muling pinabubuksan ng DOJ

Pinabubuksan muli ng Department of Justice ang isa sa drug cases ni dating Senador Leila de Lima dahil nais ng ahensya na magprisinta ng bagong testigo laban sa dating mambabatas.

Sa anim na pahinang mosyon, hiniling ng prosekusyon sa Korte na muling buksan ang kaso upang mailatag nila ang kanilang rebuttal evidence.

Ikinagulat naman ng legal team ni de Lima ang natanggap na kopya ng mosyon ng DOJ na nagsasaad na ang ipi-prisinta nilang rebuttal witness ay si Atty. Demiteer Huerta ng Public Attorney’s Office.

Nais ng DOJ na muling buksan ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 ang kaso kaugnay sa umano’y pagtanggap ni de Lima ng drug money mula kay dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos.

About The Author