Sinopla ng isang trasport group ang hakbang ng pamahalaan na payagan ang mas maraming Transport Network Vehicle Service (TNVS) units na mag-operate sa Metro Manila at sa apat na kalapit na mga probinsya.
Noong Lunes ay binuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 10,300 TNVS slots sa Metro Manila, maging sa mga lalawigan ng Rizal, Laguna, Cavite, at Bulacan.
Sinabi ni Laban TNVS national president Jun de Leon, na sa totoo lang ay maraming mga dismissed na provisional authority at expired na certificates of public convenience na hindi pa naaaksyunan.
Aniya, libu-libo ang tumatakbong kolorum na TNVS units dahil sa kabagalan ng sistema ng proseso sa LTFRB.
Sa tala ng ahensya, mayroong 8,300 TNVS units na inisyuhan ng pa at CPC na nag-o-operate sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.
Nanawagan naman ang Laban TNVS sa LTFRB na irekonsidera o pabilisin ang pagresolba sa mga nakabinbing aplikasyon, gaya ng mga humihirit ng extension sa validity na kanilang CPC.