dzme1530.ph

SCAT sa katubigang sakop ng Calapan, Oriental Mindoro, ipinagpapatuloy ng PCG

Magpapatuloy sa Shoreline Clean up and Assessment Technique (SCAT) ang Philippine Coast Guard (PCG), International Tanker Owners Pollution Federation Ltd, at iba pang ahensya sa katubigang sakop ng Calapan, Oriental Mindoro.

Ayon sa PCG, sinusuri nito ang mga baybaying apektado ng oil spill at alamin ang mga dapat gawin para sa mabilis na paglilinis sa mga apektadong lugar.

Sa naturang SCAT, inobserbahan din ang presensya ng langis at iba pang oil-contaminated debris sa baybay – dagat ng isla ng Harka Piloto, Barangay Lazareto, Calapan City.

Ininspeksyon din ng grupo ang mga nakalatag na “indigenous protective booms” sa dalampasigan ng Barangay Navotas, Calapan City kasunod ang isinagawa nilang “sediment sampling” para masuri ang kasalukuyang kondisyon ng apektadong baybayin.

Katuwang din sa isinasagawang clean up and assessment technique ang CDRRMO-Calapan, DENR, Fisheries Management Office-Calapan, at LGU ng barangay Navotas. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author